Nais Ko
Thursday, October 07, 2010

Nais kong makita ka,
pagmasdan ang 'yong mukha.
Nasasabik makausap,
parang nakalutang sa ulap.
Kay tagal kang 'di nakita.
Kailan ba, aking sinta?
'Di ako nagbibiro,
'pagkat natutuliro.
Namimiss nga siguro,
sana'y pagbigyan mo 'ko.
Nang hindi na kailan pa,
tuluyan nang mangamba.
Labels: nais ko







0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home